Polisiya sa paglalayag ng mga barko tuwing may bagyo, pinarerepaso ni Speaker Velasco

By Erwin Aguilon May 10, 2021 - 09:12 AM

Nais ni Speaker Lord Allan Velasco na maamyendahan ang ang polisiya na nagsu-suspinde ng biyahe ng barko sa mga lugar na nasa ilalim ng Public Storm Warning Signal (PSWS) No. 1.

Naapektuhan daw kasi ang shipping at maritime industry gayundin ang public safety dahil sa siksikan sa mga pantalan at stranded na mga pasahero.

Sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard, PAGASA at MARINA, hinimok ni Velasco ang mga ahensya na i-adjust ang suspensiyon sa mas maiksing lead time para sa storm signals at galaw ng mga barko tuwing masama ang panahon.

Katuwiran nito, masyadong mahaba ang 36-hour lead time para iutos ang suspensiyon ng biyahe.

Nai-stranded kasi anya ang mga tao at kargamento sa mga pantalan kahit kalmado pa naman at may sapat pang oras para ligtas na makabiyahe.

Sa ilalim ng Coast Guard Guidelines, ang anumang sasakyang pandagat ay bawal nang maglayag kapag itinaas na ang Signal #1 sa panggagalingang lugar at  sa destinasyon ng mga ito.

TAGS: Bagyo, House Speaker Lord Allan Velasco, philippine coast guard, Bagyo, House Speaker Lord Allan Velasco, philippine coast guard

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.