2 miyembro ng Chinese drug ring patay sa buy bust operation; 22 kilos ng shabu nakumpiska

By Jan Ecosio May 10, 2021 - 08:44 AM

PHOTO: PNP-DEG

Patay ang dalawang hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga sa operasyon ng mga pulis sa Pasig City, linggo ng gabi.

Sa ulat, alas-9:10 nang ikasa ang Coplan Chain Knuckle sa Axis Road, Barangay Kalawaan ng naturang bayan.

Sinasabing nanlaban si Arthur Abdul at ang kasama nito.

Nakumpiska sa operasyon ang 22 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P149.6 milyon, isang Nissan Sentra (XJG 404), isang .45 at isang .380 na baril.

Sinabi ni PNP Chief Guillermo Eleazar ang mga napatay ay ang nagpapakalat ng droga ni Michael Lucas Abdul na naaresto sa hiwalay na operasyon sa Dasmariñas City, Cavite noong nakaraang Abril 26.

Dagdag ni Eleazar ang droga na ikinakalat nina Abdul ay kinukuha nila sa isang alias Bating, tubong Mindanao at bodegero ng isang Chinese drug lord.

Ikinakalat ng grupo ang kanilang droga sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon.

TAGS: Pasig City, PNP. drugs, Pasig City, PNP. drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.