P316M halaga ng smuggled fake branded items, frozen meat nasamsam ng Bureau of Customs

By Jan Escosio May 10, 2021 - 08:37 AM

PHOTO: Bureau of Customs

Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang ilang bodega sa Navotas City at Pasay City, na kapwa pinaghihinalaang pinagtataguan ng mga kontrabando.

Magkatuwang na sinalakay ng mga tauhan ng BOC – Intelligence and Investigation Service (CIIS) at  Enforcement Group Enforcement and Security Service (EG-ESS) ang isang storage facility sa Navotas City at nadiskubre ang P16 milyong halaga ng smuggled na karne ng Peking duck at black duck.

Samantala ang  isa pang grupo ng mga ahente ng kawanihan ay nagsilbi ng letter of authority (LOA) sa ilang bodega sa Pasay City at nadiskubre ang mga pekeng gamit pang-kasuotan.

Ang mga ito ay taglay ang kilalang brands tulad ng Nike, Lacoste, Jag, Louis Vitton, Jordan, Crocs, Adidas, Havianas, Disney, Frozen, Hello Kitty, Tribal, Dickies, Mossimo, Levi’s, Petrol, Gap, Fila, Uniqlo, Lee, Puma, DC, and Marvel.

Tinatayang aabot sa P300 milyon ang halaga ng mga nasabat na mga gamit.

Mahaharap sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act ang mga nagmamay-ari ng mga naturang kontrabando.

 

TAGS: Bureau of Customs, fake branded products, smuggle products, Bureau of Customs, fake branded products, smuggle products

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.