Tinawag ng China na “cold war mentality” ang ikinakasang joint air at sea patrol ng Pilipinas at U.S. sa South China Sea.
Agad na bumanat ang China matapos i-anunsyo ng U.S. na mananatili hanggang katapusan ng buwang ito ang nasa 300 na mga sundalong Amerikano upang makipag-sanib pwersa sa mga sundalong Pilipino sa pagpapatrulya.
Ayon sa pahayag ng China, ang hakbang na ito ng magka-alyadong bansa ay isang uri ng militarisasyon sa rehiyon, na taliwas rin sa inaasam na kapayapaan sa pinagtatalunang mga teritoryo.
Sinabi pa nila na mamatyagan nilang maigi ang sitwasyon at hindi mag-aalinlangang depensahan ang kanilang karapatan at interes.
Una nang inasahan ni Defense Sec. Voltaire Gazmin na ikagagalit ng China ang joint patrol, pati na rin ang mga agresibo nitong hakbang bilang pagprotesta laban dito.