Food Security Program sa Maynila para sa buwan ng Mayo, umarangkada na
Umarangkada na ang ikaapat na buwan ng pamamahagi ng food boxes sa 700,000 na pamilya sa Maynila sa ilalim ng COVID-19 Food Security Program.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, bituka muna bago kalsada ang priority ng lokal na pamahalaan upang walang magutom sa Maynila.
Kaya naman 139,000 na food boxes sa 122 na barangay sa District 1 ang naipamahagi na ng mga kawani ng Department of Public Services – Manila simula noong May 8.
Bawat food box ay may laman na tatlong kilo ng bigas, 16 na piraso ng de lata, at walong sachet ng kape.
Samantala, magpapatuloy naman ang pamamahagi ng naturang food boxes sa buong anim na distrito ng siyudad sa susunod pang mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.