86 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa PNP

Nadagdagan ng 86 ang bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police.

Ayon sa tala ng PNP Health Service, dahil dito umakyat na sa kabuuang 21, 168 ang COVID-19 cases sa PNP.

Nasa 1,495 naman ang aktibong kaso.

Mayroong 126 ang bagong gumaling sa sakit kaya  umakyat na sa 19,615 ang mga naka recover.

Wala namang bagong nasawi at nananatili ito sa 58 ang bilang.

 

Read more...