17,000 bagong pulis hanap ni PNP Chief Eleazar ngayong taon

By Erwin Aguilon May 09, 2021 - 10:56 AM

PHOTO: PNP FB

Target ng bagong talagang hepe ng Philippine National Police na mag recruit ng 17,000 mga pulis ngayong taon.

Ayon kay Eleazar, ang nasabing bilang ay kanyang ipapalit sa mga tiwaling pulis na sisibakin dahil sa ipatutupad nitong internal cleansing sa PNP.

Pagtitiyak ni Eleazar, daraan sa tamang proseso ang mga aplikante sa pagpupulis at tanging mga kwalipikado lamang ang matatanggap.

Nais any anito na tanggalin ang korapsyon, padrino at ang sistema ng palakasan sa kanilang hanap.

Gagamit na anya ng QR code sa aplikasyon para maiwasan an ang padrino system.

 

TAGS: bagong pulis, PNP, PNP Chief Gen. Eleazar, bagong pulis, PNP, PNP Chief Gen. Eleazar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.