Pinamamadali ni TUCP Rep. Raymond Democrito Mendoza sa pamahalaan at mga business owners ang pagbabakuna sa mga manggagawa.
Ayon kay Mendoza, higit na mas matatag na proteksyon laban sa COVID-19 ang bakuna kumpara sa mga dole outs o ayuda.
Kung lahat aniya ng empleyado ay mababakunahan ay tiyak ang agad na pagbabalik operasyon ng mga kumpanyang nagsara at pagbabalik trabaho ng mga empleyado at mga manggagawa na natigil sa hanapbuhay ngayong pandemya.
Iginiit pa ni Mendoza na sa pamamagitan ng mabilis na vaccination rollout sa mga workers ay maliligtas hindi lamang ang mga manggagawa kundi pati ang kanilang trabaho at pamilya.
Bukod dito ay mabubuksan na muli ang ekonomiya ng bansa.
Panawagan ito ng kongresista ay kasunod ng pag-akyat ng mga essential workers sa A4 category ng priority list mula sa B5 kung saan kasama din dito ang mga OFWs at mga seafarers.
Samantala, positibo din ang tugon ng mambabatas sa pag-classify ng Employees’ Compensation Commission sa COVID-19 bilang compensable disease.