Dalawang bagong Malasakit Center binuksan na

By Chona Yu May 08, 2021 - 05:13 PM

Dalawa pang Malasakit Centers ang binuksan ngayong araw, Mayo 8 kasabay ng paggunita sa Health Worker’s Day.

Ayon kay Senador Bong Go, binuksan ang ika-107 at ika-108 na Malasakit Center sa Luis Hora Memorial regional Hospital sa Bauko, Mountian Province at Conner District Hospital sa Conner, Apayao.

Ang Malasakit Center ay one stop shop para sa mga humihinging tulong medical.

Kasabay nito, binigyang pagkilala ni Go ang mga health workers na ngayon ay patuloy na nakikipagsagupa sa pandemya sa COVID-19.

Bayani ayon kay Go ang mga health workers.

“First off, I would like to greet ng isang makabuluhang Health Workers’ Day ang ating mga health workers. Mula sa amin ni Pangulong Rodrigo Duterte, maraming salamat sa inyong sakripisyo, lalo na sa panahong ito,” pahayag ni Go.

Batid aniya nila ni Pangulong Duterte ang hirap ngayon ng mga health workers.

“Alam namin na hirap na kayo, hirap rin kami ni Pangulo pero kayo ang nagbibigay ng lakas sa amin para paigtingin pa namin ang aming pagseserbisyo upang malampasan natin ang pandemyang ito,” pahayag ni Go.

 

TAGS: bong go, Conner District Hospital, Health Worker’s Day, Luis Hora Memorial regional Hospital, Malasakit Center, bong go, Conner District Hospital, Health Worker’s Day, Luis Hora Memorial regional Hospital, Malasakit Center

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.