Pagbabalik ng Sinopharm COVID-19 vaccines sa China bahala na ang PSG

By Chona Yu May 08, 2021 - 04:57 PM

Ipinauubaya na ng Department of Health sa Presidential Security Group ang pagbabalik sa 1,000 doses ng Sinopharm COVID-19 vaccines.

Pahayag ito ng DOH matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa China ang donasyong bakuna dahil sa kawalan ng emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, responsabilidad na ng PSG ang pagbabalik ng bakuna dahil sa kanila naman ibinigay ng China.

“Iyon pong pagbabalik nito ay would be the responsibility of the PSG kasi sa kanila po iyan dinonate. So, sa orders po ng ating Presidente, ito po ay dapat ibalik at dapat pina-facilitate na rin ng PSG ang pagbabalik niyan,” pahayag ni Vergeire.

Matatandaang naturukan na ng Sinopharm vaccines sina Pangulong Duterte at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

 

TAGS: China, COVID-19, Maria Rosario Vergeire, PSG, Sinopharm, China, COVID-19, Maria Rosario Vergeire, PSG, Sinopharm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.