Abu Sayyaf nagbantang papatayin ang hostage na dayuhan sa April 25

By Dona Dominguez-Cargullo April 15, 2016 - 08:53 PM

Photo from news.siteintelgroup.com
Photo from news.siteintelgroup.com

Nagbanta ang grupong Abu Sayyaf na papatayin nila ang tatlong dayuhan na kanilang binigay sa Samal Island noong Setyembre.

Sa video na inilabas ng grupo, kung mabibigo na bayaran ang hinihingi nilang ransom na P300 million ay papatayin na nila ang mga bihag sa April 25.

Ang dalawang minutong video ay ipinost sa YouTube.

Makikita sa video ang mga bandidong grupo na may hawak na machete at nakatutok sa leeg ng mga bihag.

Ayon sa isa sa mga bandido, kung mabibigo na ibigay ang ransom demand, isa sa mga bihag ay pupugutan ng ulo sa April 25, alas 3:00 ng hapon. “Notice to the families, to the Canadian government, and to the Philippine government. Now that the deadline of warning is over last April 8, 2016, but still you procrastinate. Now, this is already an ultimatum. Once you don’t meet the demand, we will certainly behead one among the four (hostages) this coming April 25 at exactly 3 p.m.,” ayon sa isa sa bandido na nasa video.

Ang mga dayuhang bihay na nasa video ay ang dalawang Canadians ay isang Norwegian na dinukot kasama ang isang Pinay sa beach resort sa Samal Island last.

Pinagsalita din ang isa sa mga dayuhan na si Robert Hall at sinabing, P300 million ang ransom para siya ay mapalaya. “I am told to tell you that my ransom is 300 million,” said one man, who identified himself as Robert Hall.

Umapela si Hall sa Canadian government para tulungan sila na makaalis sa lugar.

Pinagsalita rin ang isa pang Canadian at Norwegian na bihag pero hindi pinayagan na makapagsalita ang Pinay.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.