Walo katao nakaranas ng side effects matapos bakunahan ng Sputnik V

By Chona Yu May 08, 2021 - 01:32 PM

Walo katao na nabakunahan ng Sputnik V COVID-19 vaccine ang nakaranas ng minor adverse effect.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga side effects ang pananakit ng katawan, rashes, pananakit ng likod, sakit ng ulo, pagkahilo at pagtaas ng blood pressure.

Pero ayon kay Vergeire, maayos namang na-manage ng DOH ang mga nakaranas ng side effects at nakauwi rin pagkatapos mabakunahan.

Aabot sa 15,000 doses ng Sputnik V vaccine na galing ng Russia ang natanggap na ng Pilipinas.

Sa ngayon, wala namang natatanggap na ulat ang DOH ng mishandling sa mga bakuna na nangangailangan ng -18 degrees Celsius na storage temperature.

TAGS: COVID-19, doh, Rosario Vergeire, Russia, side effect, Sputnik V, vaccine, COVID-19, doh, Rosario Vergeire, Russia, side effect, Sputnik V, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.