(PDEA PIO)
Aabot sa 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P68 milyon ang nasamsam ng Philippine Drug Enforcement Agency sa bisinidad ng Ninoy Aquino Avenue, Brgy. Sto Nino, Parañaque City.
Ayon sa PDEA, naaresto sa operasyon si Ralel Barauntong, alyas Boss, 29 anyos at residente ng Old Cabalan, Olongapo City.
Nabatid na nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng PDEA.
Bukod sa shabu, nakuha rin sa suspek ang isang cellphone, isang sasakyan na Chevrolet Optra na may plakang ZMX 519 at sampung bundle ng per ana tig-P1,000.
Nakakulong na ngayon ang suspek at sasampahan ng kaukulang kaso.
MOST READ
LATEST STORIES