Patuloy na makararanas ng maainit at maaliwalas na panahon ang buong Luzon.
Ayon sa Pagasa, asahan na ang matinding init ng panahon lalo na sa tanghali at hapon.
Nabatid na ang easterlies o mainit na hangin mula sa Pacific Ocean ang dahilan kung kaya mainit na panahon ang mararanasan sa Luzon.
Ayon sa Pagasa, posibleng umabot sa 25 hanggang 34 degrees Celsius ang temperature sa Metro Manila habang nasa 18 hanggang 27 degrees Celsius sa Baguio City.
Gayunman, makararanas naman ng kalat-kalat nap ag-ulan ang Visayas at Mindanao dahil naman sa Intertropical Convergence Zone.
READ NEXT
Mga pasaway na mahuhuli sa paglabag sa health protocols, pinabibigyan ng face mask ni Senador Bong Go
MOST READ
LATEST STORIES