Lakas-CMD, naghayag ng suporta sa kandidatura ni Senator Marcos

Bongbong PhotoPatuloy ang suporta para kay Senator Bongbong Marcos kasunod ng pormal na pag-adopt sa kanya ng Lakas ng Tao-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) party bilang opisyal nilang kandidato sa pagka-bise presidente.

Pinili si Marcos sa official plenary session ng partido kung saan na na-nominate ang senador ni Rep. Prospero Pichay at sinegundahan nina Congresswoman Lani Mercado at Atty. Raul Lambino.

Unanimous ang pagpili kay Marcos bilang vice presidential candidate at makakatiyak anila ito ng tatlong milyong boto mula sa partido.

“Unanimous ang ating choice sa vice president dahil walang tumutol isa man sa atin lahat dito,” ani Lambino.

Ayon naman kay Marcos, malaking karangalan na ma-adopt ng Lakas-CMD at nagpasalamat ito sa suporta ng partido.

“Ang ating hangarin na pagkakaisa ay isinasabuhay na at itong pag-adopt ninyo sa akin ay isang malaking hakbang tungo sa pagkakaisa,” pahayag ni Marcos.

 

Read more...