Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) na baguhin ang COVID-19 testing sa mga inbound travelers.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, gagawin na ang RT-PCR testing sa ika-pitong araw ng kanilang quarantine period.
Wala aniyang ligtas ang lahat ng inbound travelers kahit saan pang bansa sila nanggaling.
Binago aniya ang naunang patakaran ng IATF.
Ayon kay Vergeire, hindi na sasailalim sa testing ang mga inbound travelers pagdating sa bansa at kailangang tapusin ang 10 araw na quarantine sa national level.
Pagkatapos aniya ng 10 araw na quarantine, itu-turn over ang inbound travelers sa local government unit para ituloy ang dagdag na apat na araw na quarantine.