Pagsugpo sa red tape sa Maynila, pinaigting pa

By Chona Yu May 07, 2021 - 10:29 AM
(Manila PIO) Lalo pang iinaigting ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagkilos  laban sa red tape – partikular na sa Business Permit and Licensing System ng lungsod. Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, dapat tiyakin ng lokal na pamahalaan ang pagbibigay ng serbisyo sa mas episyenteng pamamaraan lalo na sa panahon ng pandemya. Kaya naman sa tulong ng University of the Philippines Public Administration Research and Extension Services Foundation (UPPAF), tinukoy ng lokal na pamahalaan kung papaano pa mapapaunlad ang Go! Manila app at ang Business One Stop Shop ng LGU Manila. Ang dalawang serbisyong ito na inilunsad sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Isko ay may layong bawasan ang mga hakbang ng pag-apply para sa mga business permit at pag-renew ng mga business license. Handa naman ang LGU Manila na sundin ang mga rekomendasyon ng UPPAF patungkol sa Business Permit and Licensing System gaya ng pag-mamaximize sa paggamit ng teknolohiya at pagpapasimple sa mga prosesong kinakailangan isagawa upang mapabilis ang transaksyon sa lokal na pamahalaan.

TAGS: Business One Stop Shop, Go! Manila app, Manila Mayor Isko Moreno, niversity of the Philippines Public Administration Research and Extension Services Foundation, red tape, Business One Stop Shop, Go! Manila app, Manila Mayor Isko Moreno, niversity of the Philippines Public Administration Research and Extension Services Foundation, red tape

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.