PRC chairman Dick Gordon balak magtayo ng oxygen plant

By Jan Escosio May 07, 2021 - 10:17 AM

(Senate PRIB)

Binabalak ni Senator Richard Gordon na magtayo ng emergency oxygen-generating plant sa Philippine Red Cross dahil sa pangangailan sa paggamot hindi lang ng COVID-19 patients kundi pati na rin ng mga may pneumonia.

Aniya ang pneumonia ay kabilang sa pangunahing dahilan ng kamatayan sa buong mundo.

Ang plano ni Gordon, na siya rin namumuno sa Philippine Red Cross, ay ibinahagi niya sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII).

Sabi nito, habang nagkukumahog ang mga ospital sa dami ng COVID-19 patients, may mga suppliers naman ang nagsasamantala para palobohin ang presyo ng medical oxygen.

“I am thinking in the Red Cross to build one (oxygen plant) para ‘yung mga de-tubo makakakuha sila sa Red Cross ng mas murang oxygen dahil tumaas na ‘yan, dati P6,000 ngayon P13,000 umabot pa ng P25,000 a few weeks ago. That is not right. ‘Pag ikaw nagsasamantala sa mga kababayan mo, hindi ka aabot sa paroroonan mo,” paalala ng senador.

TAGS: COVID-19, ilipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, INC, oxygen plant, Philippine red Cross, Richard Gordon., COVID-19, ilipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, INC, oxygen plant, Philippine red Cross, Richard Gordon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.