Bumili ng locally-made PPEs para makabangon ang ekonomiya
(Senate PRIB)
Nanawagan si Senator Francis Pangilinan sa gobyerno na bumili at gumamit ng personal protective equipment (PPE) na gawa dito sa bansa para na rin makatulong sa pagsigla ng lokal na ekonomiya.
Bukod dito aniya ay magakakaroon pa ng trabaho ang ilan sa ating mga kababayan matapos malaman ng senador na 3,500 manggagawa sa PPE manufacturing sector ang nawalan ng trabaho dahil sa kakulangan ng demand.
“May pangangailangan para sa PPEs at kayang tugunan ng lokal na industriya. Sinabi na natin iyan noong una pa, na gamitin natin ang sariling atin para makabangon ulit ang ating ekonomiya,” sabi pa ni Pangilinan, na nag-akda ng Senate Bill 1759 o ang Pandemic Protection Act.
Paliwanag niya sa kanyang panukala ay mabibigyang prayoridad ang mga lokal na industriya
“Sana mapunta ang pera ng gobyerno sa lokal na mga manufacturers kaysa mapunta pa sa ibang bansa. Suportahan at bigyan ng trabaho ang ating mga kababayan. We fully support the proposed Senate hearing to look into this matter,” dagdag pa niya.
Una nang naglabas ng hinaing ang Confederation of Philippine Manufacturers of PPE (CPMP), na naglabas ng kabuuang P1.7 bilyon para mamuhunan sa paggawa ng PPEs, ngunit anila mas pinapaboran pa rin ng gobyerno ang mga imported PPEs, partikular na ang gawa sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.