(Courtesy: Quiapo Facebook page)
Para maalala ang mga mahal nila sa buhay na namatay dahil sa COVID-19, pinasimulan sa Quiapo Church sa Maynila ang isang Memorial Wall for the Dead.
Sinabi ni Quiapo Church Parochial Vicar Fr. Douglas Badong, sa memorial wall na nasa gilid ng simbahan ay maaring isulat ang pangalan ng mga namayapa dahil sa nakakamatay na sakit.
Sinabi naman ni Manila Bishop Broderick Pabillo na maaring maglagay din ng mga kahalintulad na memorial wall sa mga Parokyang Simbahan, kung saan maari din maglagay ng mga larawan ng mga namatay sa COVID 19 bukod sa kanilang pangalan.
“This can serve as a reminder to all to always pray for them,” aniya.
Samantala, bukas ay pangungunahan ni Bishop Pabillo ang ‘day of prayer and remembrance’ para sa mga namatay sa COVID 19.
Alas-9 ng umaga ay iseselebra ang ‘Mass for the Dead’ sa Manila Cathedral.
“We bring together at the altar of the Lord all the tears and sorrows of our people for their loved ones,” sabi pa ng obispo.
Bahagi ito ng three-day prayer marathon sa Manila archdiocese at sa bawat araw at may partikular na intensyon kaugnay sa nagpapatuloy na pandemya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.