1.5 milyong doses ng Sinovac vaccine dumating na sa Pilipinas

(Courtesy: National Task Force against COVID-19)

Dumating na sa bansa ang karagdagang 1.5 milyong doses ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa pahayag ng National Task Force against COVID-19, gawang Sinovac ng China ang mga bakuna.

Binili ng pamahalaan ng Pilipinas ang mga bakuna.

Dumating ang mga bakuna, ngayong umaga, Mayo 7 sa Ninoy Aquino International Airport sakay ng Cebu Pacific flight.

Sina vaccine czar Carlito Galvez Jr. at Health Secretary Francisco Duque III ang sumalubong sa mga bakuna.

Sa ngayon, nasa 5 milyong doses ng Sinovac ang nakukuha na ng Pilipinas kabilang na ang isang milyong doses na donasyon ng pamahalaan ng China.

 

Read more...