Sen. Bong Go naghain ng panukala para sa pagpapatayo ng Philippine Virology Institute
Bilang paghahanda sa mga pandemya na maaring mangyari pa sa hinaharap, naghain ng panukala si Senator Christopher Go para sa pagpapatayo ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP).
“In the long term, investing heavily on health research initiatives should be pursued. It is for this reason that I filed this bill in support of President Rodrigo Duterte’s call to establish a virology institute that will capacitate the country to conduct scientific research initiatives and eventually develop our own vaccines,” aniya.
Paliwanag pa ng senador, layon ng mga ganitong hakbang na maiwasan na ang sitwasyon na ang mga mahihirap na bansa ay nagtitiyaga sa limitadong suplay ng mga bakuna at gamut.
Sa inihain niyang Senate Bill No. 2155 o ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines Act of 2021 ang VIP ang magsisilbing principal laboratory sa bansa para sa virology laboratory investigations, researches, at technical coordination ng lahat ng virology laboratories sa bansa.
Kapag nagging batas, ang itatayong VIP ay magiging ahensiya sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Science and Technology at pamumunuan ng isang director, na katumbas ng isang undersecretary sa isang kagawaran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.