Distribusyon ng ECQ cash aid sa Pasay City target tapusin ngayon weekend

By Jan Escosio May 07, 2021 - 08:56 AM

(Pasay PIO)

Ipinahayag ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang kagustuhan na matapos ang pamamahagi ng P1,000  enhanced community quarantine (ECQ) cash aid bago ang ang paggunita ng Mother’s Day sa darating na araw ng Linggo, Mayo 9.

Ayon kay Calixto-Rubiano, may 2,000 benipesaryo na lang ang hindi pa nabibigyan ng kanilang ayuda.

Paliwanag niya, bukas ay kinakailangan na magsumite na ng sertipikasyon ang bawat barangay sa City Treasurer’s Office na wala na sa kanilang lugar ang hindi pa nabibigyan ng ayuda.

Samantala, hanggang ngayon umaga, 53 porsiyento ang occupancy rate sa COVID-19 ward sa Pasay City General Hospital at may available na apat na COVID ICU beds.

Sinabi pa ni Jun Burgos, ang tagapagsalita ng lungsod, may bakante na 11 COVID-19 regular beds at may 10 kama na bakante sa transition wards.

Bukas din ang Emergency Room ng naturang ospital para tumanggap ng COVID and non-COVID cases.

TAGS: cash aid, COVID-19, ECQ ayuda, Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano, cash aid, COVID-19, ECQ ayuda, Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.