Heat index sa Metro Manila posibleng pumalo sa 38.2 degrees Celsius ayon sa Pagasa
Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na posibleng pumalo sa 38.2 degrees Celsius ang ang heat index o human-perceived temperature ngayong araw sa Metro Manila.
Ayon sa Pagasa, maaring pumalo sa 34.3 hanggang 38.2 degrees Celsius ang heat index sa Pagasa Science Garden station sa Quezon City.
Maaring makaranas din ng mainit na panahon ang Dagupan, Laoag at Sangley point sa Cavite.
Payo ng Pagasa sa publiko, kung maari, manatili sa loob ng bahay at uminom ng maraming tubig.
Base sa talaan ng Pagasa, naitala ang pinakaminit na panahon ngayong taon sa Dagupan, Pangasinan noong Abril 6 na umabot sa 49 degrees Celsius.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.