Pari sa Pampanga inalis sa parokya sa tsismis sa paglabag sa ika-9 Utos ng Diyos

By Jan Escosio May 06, 2021 - 07:01 PM

Minabuti na tanggalin na ni Pampanga Archbishop Florentino Lavarias ang isa sa mga pari na nasa ilalim ng kanyang pangangasiwa base sa mga alegasyon na may karelasyon itong ginang.

Katuwiran ng opisyal ng Simbahan Katoliko kailangan nilang gumawa ng hakbang habang iniimbestigahan ang alegasyon laban sa hindi na niya kinilalang pari.

“Given the sensitive nature of the matter and as a preliminary move, the archdiocese has resolved to remove the priest from his parish assignment,” ang nakasaad sa circular letter.

Sinabi pa ni Lavarias na maaring may karagdagang hakbang pa silang gagawin kapag may naihain ng pormal na reklamo.

Bago ito, naging viral sa social media ang pagkompronta ng isang galit na galit na lalaki sa isang pari dahil sa sinasabing pakikipag-relasyon sa kanyang misis.

Pagtitiyak pa ni Lavarias gagawin nila ang lahat para mailabas ang katotohanan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.