6,637 bagong COVID 19 cases naitala; 6,091 nadagdag sa mga gumaling – DOH

Nakapagtala ang DOH ngayon araw ng karagdagang 6,637 kaso ng COVID 19 sa bansa kayat lumubo sa 1,080,172 ang kabuuang bilang.

Sa inilabas ng kagawaran na update, may 6,091 ang nadagdag sa bilang naman ng mga gumaling at 191 ang karagdagang namatay dahil sa sakit.

Ito ay base sa mga ulat noong nakaraang Martes, Mayo 4

May 63,170 o 5.8 porsiyento ang aktibong kaso, 999,011 o 92.5 ang gumaling, samantalang 17,991 o 1.67 ang namatay.

Sa mga aktibong kaso, 94.3 porsiyento ang nakakaranas ng mild symptoms, 1.9 porsiyento ang asymptomatic at may 1.2 porsiyento na kritikal.

Samantalang, may 1.6 porsiyento ang severe at 1.03 porsiyento ang moderate.

Read more...