Batasang Pambansang Complex sasailaim sa disinfection, pasok sinuspindi

Inquirer file photo

Simula sa Lunes, Mayo 10 hanggang Mayo 14 ay suspindo ang pasok sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa ipinalabas na memorandum ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, sinabi nito na sa mga araw na walang pasok ay magsasagawa naman ng disinfection sa mga gusali at opisina ng Kamara bilang paghahanda sa pagbabalik sesyon sa Mayo 17.

Magtatagal naman ng sesyon hanggang Hunyo 4 bago ang sine die adjournment mula Hunyo 5 hanggang Hulyo 25.

Magbabalik sesyon naman sa pagbubukas na ng third regular session ng 18th Congress sa July 26 o sa panghuling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte.

 

Read more...