Libu-libong plaka ibinigay na ng Customs sa LTO

By Erwin Aguilon April 15, 2016 - 04:06 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nai-turnover na ng Bureau of Customs (BOC) sa Land Transportation Office (LTO) ang mga plaka ng sasakyan na nakatengga lamang sa Pier dahil sa hidni nabayarang buwis.

Nasa 300,000 pares o 600,000 plaka na matagal nasa Customs ang ibinigay na lamang sa LTO para magamit.

Sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya sa Pier ipinagkaloob ni Customs Commissioner Bert Lina kay LTO Chief Atty. Roberto Cabrera ang mga plaka.

Ang libu-libong mga plaka ay lulan ng 11 container van.

Nilinaw ng LTO at Customs na hindi ibig sabihin nito na wala nang kinakailangang bayarang buwis sa gobyerno ang LTO.

Plano nang LTO na masimulan na ang distribution o pagre-release ng mga plaka sa mga may-ari nito sa susunod na labinglima hanggang tatlumpung araw.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.