Limited face-to-face classes baka maunsyami ng isyu sa contact tracing – Sen. Win Gatchalian

By Jan Escosio May 06, 2021 - 12:43 PM

Duda si Senator Sherwin Gatchalian na makakapagsagawa ng limited face-to-face classes sa muling pagsisimula ng mga klase bunga ng mga problema sa contact tracing.

Puna ni Gatchalian, inanunsiyo ng Malakanyang na ‘all systems go’ na sa pagkasa ng StaySafe.ph, na dinisenyo para makatulong sa pagharap sa COVID 19 cases sa Pilipinas, ngunit sinabi ni contact tracing czar Benjamin Magalong na ang dapat na official contact tracing app ay ibinasura naman ng DOH.

Sinabi pa ni Magalong na ang app ay pinag-aaralan pa rin ng DILG.

“Mahigit isang taon na simula noong tumama ang pandemya sa atin ngunit patuloy pa rin ang mga isyung kinakaharap natin sa contact tracing,” sabi ng namumuno sa  Senate Committee on Basic Education.

Diin niya, hindi masisiguro ang kaligtasan ng mga guro at estudyante kung kulang ang sistema para matukoy ang mga maaring nasa panganib na magkasakit.

Hinihikayat niya ang Inter Agency Task Force na ikunsidera ang pagpapatupad ng unified contact tracing system para sa posibleng limited face-to-face classes sa low risk areas.

Una na rin tinukoy ng DepEd ang 1,900 sa 47,000 paaralan sa bansa na maaring magkasa ng limitadong pagbabalik sa mga paaralan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.