Domestic at imports supply ng karne ng baboy dapat maging balanse sabi ni Rep. Joey Salceda

By Erwin Aguilon May 06, 2021 - 09:48 AM

Pina-aalalayan ni Albay Representative Joey Salceda sa Department of Agriculture (DA) ang mga small players, farmer groups at domestic swine industry sa pakikilahok sa merkado ng importasyon.

 

Ayon kay Salceda, na siyang namumuno sa House Committee on Ways and Mean, bagamat may pag-aalinlangan siya sa Executive Order 128 ay hinimok niya na bigyan ng pagkakaton ito dahil naging batas na.

 

Sa ilalim ng EO 128 ay itinataas ang minimum access volume (MAV) at ibinababa ang taripa ng imported na karneng baboy para tugunan ang kakulangan sa suplay at mahal na presyo ng baboy sa merkado.

 

Marami na rin umano siyang iminungkahi na pangmatagalang solusyon sa pamahalaan pero ito ay mangangailangan pa ng panahon kaya ang mainam sa ngayon ay ang agarang pagpapatatag sa suplay sa pamamagitan ng pagbabalanse sa imports at domestic supply.

 

Pinaglalatag ni Salceda ang DA ng mekanismo para payagan ang mga kooperatiba ng mga magsasaka na mag-angkat ng karneng baboy mula sa mga pinagsamang maliliit na import orders.

 

Pinatitiyak din na ang mga domestic players tulad ng mga backyard hog raisers na siyang bumubuo sa 70% pork production ay dapat na protektado laban sa outbreak ng African Swine Fever (ASF).

 

Pahayag ito ng mambabatas kasunod ng pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) na napanatili sa 4.5% ang inflation rate ngayong Abril kung saan major contributor pa rin sa mataas na inflation ang karne ng baboy na nasa 22.1%, na siyang pinakamataas ngayong taon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.