Pagbabago sa taripa at MAV sa imported pork products idinetalye

By Jan Escosio May 06, 2021 - 09:39 AM

Kinumpirma ng Department of Finance na may napagkasunduan na ang mga senador at economic managers ng bansa kaugnay sa magiging pagbabago sa Executive Order No. 128 ni Pangulong Duterte  ukol sa pag-aangkat ng karne ng baboy.

Sa inilabas na pahayag ng DoF, sinabi na tinanggap ng mga senador ang mga nagging rekomendasyon ng economic managers.

Una nang binatikos ng mayorya ng mga senador ang pagbaba ng husto sa taripa, kasabay naman ng sobrang pagtaas sa minimum acess volume (MAV).

Sinabi ni Agriculture Sec. William Dar inirekomenda nila na mabago ang sisingilin na taripa sa 10 percent (%) in-quota at 20% for out-quota sa unang tatlong buwan at 15% in-quota at 25% for out-quota para sa susunod na siyam na buwan.

Napagkasunduan din na ibaba sa 254,210 metric tons ang MAV na 404,000  nakasaad naman sa EO 128.

Kinumpirma din ang unang pahayag ni Senate President Vicente Sotto III na ang pagbabago sa EO 128 ay kinakailangan para matugunan ang epekto sa mga konsyumer ng mababang suplay ng karne ng baboy sa bansa.

“This is an urgent short-term measure. We are still aggressively taking steps to help the domestic industry recover from ASF. These include the ‘Bantay ASF sa Barangay’ and its twin hog repopulation program,” sabi ni Dar.

Dagdag pa niya ang Land Bank of the Philippines at Development Bank of the Philippines may maglalaan P30 billion at P12 billion para ipautang sa local hog raisers.

Sinabi pa ng kalihim na isusumite nila sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang pagbabago sa taripa at si NEDA Sec. Karl Chua na ang magsusumite ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.