Bagong diskarte para labanan ang mataas na presyo ng bilihin inihirit

By Erwin Aguilon May 06, 2021 - 08:22 AM

Iginiit ni Marikina Representative Stella Luz Quimbo na napapanahon nang magkaroon ng mga panibagong polisiya ang gobyerno upang masolusyunan ang pagtaas ng presyo ng bilihin.

 

Ito ayon kay Quimbo ay kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nanatili sa 4.5% ang inflation rate noong Abril.

 

Sa datos na inilabas ng PSA, natukoy na main contributor pa rin sa April inflation ay ang presyo ng pagkain at mga non-alcoholic beverages, na pumapalo sa 40.9% ng overall inflation.

 

Ito ay resulta pa rin ng inflation sa karne, tulad ng sa baboy na umabot sa pinakamataas ngayong taon sa 22.1 percent.

 

Sinundan naman ito ng inflation sa pamasahe na mayroong 32% share sa overall inflation.

 

Bagama’t magmula noong Enero ang average inflation rate ay 4.5%, sinabi ni Quimbo na maaring mapahupa ang paggalaw ng mga presyo kapag kikilos nang mabilis ang pamahalaan.

 

Unang inihain ni Quimbo ang House Bill No. 9256 o ang Affordable Pork Act of 2021 para payagan ang gobyerno na direktang makabili ng karne ng baboy at maging stable ang presyo  sa tuwing may national emergency.

 

Sumulat na rin siya sa Department of Interior and Local Government (DILG) para hilingin naman na payagan na ang mga magkakasama sa bahay na sumakay sa iisang pampublikong sasakyan, partikular na sa mga tricyle na base sa datos ng PSA ay mayroong 48.4 percent na pagtaas sa inflation ng pamasahe.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.