Pangulong Duterte sa PNP: Arestuhin ang mga pasaway sa pagsusuot ng mask!

By Chona Yu May 06, 2021 - 08:12 AM

Binalaan na ni Pangulong Duterte ang publiko na aarestuhin ng pulis ang hindi maayos ang pagsusuot ng mask.

Ayon sa Punong Ehekutibo, pagka-aresto ay diretso sa kulungan, bago iimbestigahan ang mga mahuhuli na nakababa sa ilong o nasa baba lang ang suot na mask.

Labis na nadismaya ang pangulo sa pagtaas pa rin ng kaso ng COVID 19 sa bansa at isa sa sinasabing dahilan ay ang hindi maayos na pagsusuot ng mask.

Nagpaliwanag naman si Pangulong Duterte at sinabing kailangan na maging istrikto sa pagpapatupad ng basic o minimum health protocols dahil kapos na ang pondo ng gobyerno para sa pangangailangan ng mga apektado ng pandemya.

Binanggit pa nito na marami na ang namatay dahil sa COVID 19 at puno pa rin ang mga ospital ng mga pasyente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.