Sen. Tito Sotto umaasa na si Gen. Guillor Eleazar ang susunod na Ping Lacson sa PNP

By Jan Escosio May 06, 2021 - 07:50 AM

Marangal na tao.

Ito ang maigsing pagsasalarawan ni Senate President Vicente Sotto III sa hinirang na bagong hepe ng pambansang pulisya, si Lt. General Guillermo Eleazar.

“Best choice ever. We would probably see another Ping Lacson,” sabi ni Sotto.

Ito rin ang reaksyon ni Sen. Panfilo Lacson; “Good pick. Aside from being the most senior, his long experience as a hardworking police officer makes him eminently qualified to lead the organization.”

Dagdag pa ni Lacson nataon ang pagkakapili kay Eleazar ngayon nahaharap ang bansa sa mapaghamon na panahon.

Para kay Sen. Bato dela Rosa naman, na nagsilbing unang PNP chief sa administrasyong-Duterte, nasa mabuting kamay ang pambansang pulisya ngayon si Eleazar ang mamumuno.

“Gen. Eleazar has the leadership qualities that would further elevate the level of professionalism in the PNP,” sabi pa ni dela Rosa.

Itinakda bukas ang pagpasa ni retiring PNP Chief Debold Sinas ng pamumuno ng pambansang pulisya  kay Eleazar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.