Mga nasalanta ng Bagyong Bising sa Pambujan, Northern Samar tinulungan ni Senador Bong Go

Binigyang ayuda ni Senador Bong Go ang 664 pamilya na naapektuhan ng Bagyong Bising sa Pambujan, Northern Samar.

Kabilang sa mga ipinamahagi ni Senador Go ang food packs, meals, masks, face shield, vitamins at iba pa.

Namahagi rin si Senador Go ng mga bisekleta sa ilang piling benepisyaryo habang ang iba ay binigyan ng sapatos.

Hindi rin kinalimutan ni Senador Go na bigyang ayuda ang mga estudyante.

Namahagi kasi ang senador ng mga computer tablets  na magagamit ng mga estudyante sa kanilangg online class na ngayon ay ipinatutupad ng Department of Education dahil sa pandemya sa COVID-19.

Binigyan din ng ayuda ni Senador Go ang mga nasalanta ng bagyo na nangangailangan ng atensyong medikal.

Ayon sa Senador, maaring lumapit lamang sa Malasakit Center sa Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman ang sinumang naospital at walang pangbayad.

“Mayroon na rin tayong 103 na Malasakit Center sa buong Pilipinas na handang tumulong sa inyo. At ang target ng Malasakit Center ay zero balance para wala na po kayong babayaran sa ospital. Lapitan niyo lang po ito,” pahayag ni Senador Go.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop kung saan pinagsama-sama ang mga tanggapan ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Charity Sweepstakes Office at PhilHealth na nagbibigay ng medical assistance.

Pinasalamatan din ni Senador Go sina Northern Samar 2nd District Representative Jose Ong, Jr., Governor Edwin Ong Ongchuan, Vice Governor Gary Lavin, Pambujan Mayor Felipe Sosing at Vice Mayor Ronil Tan dahil sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.

“Kami ni Pangulong Duterte, sa abot ng aming makakaya ay magseserbisyo kami sa inyo. At mahal na mahal po namin ang aming kapwa Pilipino,” pahayag ni Senador Go.

Noong Abril 27, namigay din ng ayuda si Senador Go sa 1,000 residente sa Catubig, Northern Samar na nasalanta rin ng Bagyong Bising.

 

Read more...