Si Police Lt. General Guillermo Eleazar ang susunod na hepe ng pambansang pulisya.
Ito ang kinumpirma ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
Si Eleazar ang kasalukuyang pangalawa sa may pinakamataas na puwesto sa PNP bilang deputy chief for administration kasunod ng magreretirong si PNP Chief Debold Sinas.
Miyembro siya ng PMA Hinirang Class of 1987.
Maninilbihan si Eleazar sa PNP hanggang sa kanyang mandatory age of retirement na 56 sa Nobyembre ng kasalukuyang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.