Pinasinayaan na ang bagong gawang taxiway ng Mactan-Cebu International Airport sa Lapu-Lapu City.
Ito na ang ikalawang taxiway ng MCIA.
Mismong si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade ang nanguna sa pagpapasinaya ng taxiway na nagkakahalaga ng P222M.
Saad ni Tudage, ““This is a big milestone for MCIA as aircraft movement and traveling would be more convenient, safer, and without any hassle.”
Ang extended taxiway ayon kay Tugade ay makapagdaragdag ng passenger traffic and aircraft movement.
Kaya na ring lumapag dito ang mga wide-body aircraft.
Ayon naman kay Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA) officer-in-charge Glenn Napuli, dahil sa proyekto kaya ng mag-accommodate ng paliparan ng 50 eroplano kada oras mula sa kasalukuyang 35 lamang.
Maari na rin anyang makapagparada ng kanilang mga aircraft ang mga airline companies sa MCIA tuwing may mga emergency o kaya naman ay bagyo.
Ang MCIA ang ikalawa sa pinaka-abalang paliparan sa bansa sunod sa Ninoy Aquino International Airport.