1.7 milyong Pinoy naturukan na ng unang dose ng COVID-19 vaccine
Pumalo na 1.7 milyon na Filipino ang naturukan ng unang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na sa ngayon nasa 320,586 ang fully vaccinated. Ibig sabihin, dalawang dose na ang naiturok sa kanila.
“Nasa two million na iyong ating naabot na jabs kahapon; all doses iyan. Tapos mga 1.74 … one point seven million ang first dose, karamihan doon iyong ating mga frontline workers, iyong ating tinatawag na A1. Tapos mayroon tayong mga senior citizen, 329,000; and then mayroon tayong mga comorbidities, 293,000; tapos nagsimula na tayo ng A4 noong May 1st para sa ating mga labor force,” pahayag ni Cabotaje.
Sinabi pa ni Cabotaje na sa ngayon, nasa mahigit apat na milyong doses ng bakuna na ang nakukuha ng Pilipinas.
“Simula noong February, noong unang dumating iyong ating donation ng Sinovac hanggang noong May 1 na dumating iyong ating Gamaleya Sputnik V vaccine, mayroon na tayong kabuuang 4,040,600 doses na na-receive. Lahat ito ay na-deploy na sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, karamihan dito ay tinatawag nating NCR Plus. Naiiwan na lang diyan ay iyong iniiwan nating buffer para sa ating National Vaccination Operation Center,” pahayag ni Cabotaje.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.