Sputnik V rollout sa Muntinlupa City target ang 380 seniors, health at essential workers

Photo grab from Reuters photo

Paunang 380 indibidwal sa Muntinlupa City ang mababakunahan ng Sputnik V, ang COVID 19 vaccines na mula sa Russia.

Sinabi ni Tez Navarro, ang tagapagsalita ng lungsod, 250 senior citizens at persons with comorbidities ang nakatakdang bakunahan sa unang araw ng Sputnik V rollout sa Ospital ng Muntinlupa.

Sa Asian Hospital and Medical Center, 130 sa A2, A3 maging sa A4, mga essential frontliners, ang nakatakdang mabakunahan.

Kabilang sa mga nakasaksi sa rollout sina MMDA Chairman Benhur Abalos, Mayor Jaime Fresnedi at iba pang local health officials.

Pinasalamatan naman muli ni Fresnedi ang gobyerno sa pagpili sa lungsod bilang ‘pilot sites’ ng rollout ng Sputnik V.

“This ceremonial roll-out signifies a step closer in returning to our normal lives. We are grateful to the national government for donating additional vaccines to our city as this will help us reach our target of achieving herd immunity as soon as possible. I encourage all Muntinlupeños to avail the vaccination program of the government because this is a vital step in curbing the pandemic,” ani Fresnedi.

Paunang 3,000 Sputnik V doses ang natanggap ng pamahalaang lungsod.

Read more...