Pagsagot sa patutsada ng China ukol sa tamang asal ng opisyal ng gobyerno ipinaubaya na ng Malakanyang kay kay Sec. Locsin
Ipinauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagsagot sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin na pansinin ang tamang pag-uugali kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bahala na si Locsin na tumugon sa pahayag ni Wang.
“I leave that to Secretary Locsin,” pahayag ni Roque.
Matatandaang minura ni Locsin at pinalalayas ang Chinese vessels na nasa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
“Get the fuck out,” bahagi ng tweet ni Locsin.
Bilang tugon, sinabi ni Wang na dapat obserbahan ng mga opisyal ng Pilipinas ang tamang pag-uugali.
“We hope that certain individual from the Philippine side will mind basic manners and act in ways that suit his status,” bahagi ng pahayag ni Wang.
Humingi na ng paumanhin si Locsin sa ginawang pagmumura sa China.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.