Pinakabagong census ng PSA dapat gamitin sa pamamahagi ng ayuda
Ipinagagamit ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa mga barangay ang pinakabagong census ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagbibigay ng ayuda sa mga Pilipino sa ilalim ng Bayanihan 3.
Ayon kay Quimbo, maaaring gamitin na basehan para sa pamamahagi ng ayuda ng mga barangay ang pinakahuling survey ng PSA na inaasahang lalabas ngayong buwan.
Maaaring din anyang gawing batayan ang Community Based Monitoring System (CBMS) na ginagamit din sa paglista ng mga pangalan ng mga residente sa barangay.
Sa ganitong paraan anya ay malalaman ng husto at hindi magdodoble ang ipamimigay na ayuda sakaling maisabatas na ang Bayanihan 3.
Mahalaga aniyang gawin itong basehan dahil may ilang indibidwal o residente na nanatili muna sa ibang lugar dahil inabutan ng lockdown o hindi naman kaya ay nananatili sa isang lokalidad sa isang transitory basis.
Sa ilalim ng Bayanihan 3, nakapaloob na P216 Billion na ibibigay ng 2 rounds na tig P1,000 sa lahat ng mga Pilipino sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.