Ex-councilor, LGU employee kinasuhan sa pagpatay kay Los Baños, Laguna Mayor Perez

By Jan Escosio May 05, 2021 - 03:36 PM

INQUIRER file photo / KIMMY BARAOIDAN

Kinasuhan ng murder ang isang dating lokal na opisyal at isang kawani ng pamahalaang bayan ng Los Baños kaugnay sa pagpatay kay Mayor Caesar Perez noong nakaraang taon.

Nabatid na ang task force na binuo para imbestigahan ang kaso ang nagsampa ng kaso laban kina Norvin Tamisin at Glenn Arieta, ang hepe ng Information and Communication System ng lokal na pamahalaan.

Si Tamisin, na dating konsehal, ay sinasabing matagal ng katunggali ng napaslang na alkalde.

Bagamat naisampa na ang kaso, wala pang ipinalalabas na arrest warrant ang korte.

Samantala, hinihintay pa rin ng pamilya Perez ang resulta ng hiwalay na imbestigasyon na isinagawa ng NBI.

Magugunita na papasok na si Perez sa munisipyo gabi ng nakaraang Disyembre 3 nang barilin ito ng ilang ulit sa ulo, dibdib at balikat.

TAGS: Los Banos Laguna, Mayor Ceasar Perez, Los Banos Laguna, Mayor Ceasar Perez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.