20,279 na kaso ng COVID-19 naitala sa PNP; 1 bagong namatay
May 172 pa nadagdag sa bilang ng mga pulis na gumaling sa COVID 19 para lumubo ang bilang sa 19,086.
Kasabay nito, inanunsiyo ni Deputy chief for administration, Lt. Gen. Guillermo Eleazar na nadagdagan naman ng 158 ang mga pulis na tinamaan ng nakakamatay na sakit at lima sa naturang bilang ay re-infections.
Isang 31-anyos na pulis naman sa Police Regional Office 3 ang namatay dahil sa COVID 19.
Mula noong Marso 2020, ang PNP ay nakapagtala na ng 20,769 COVID-19 cases sa kanilang hanay at karamihan sa mga ito ay nagsakit sa pagganap sa kanilang tungkulin.
Samantala, 12,425 pulis na ang nabakunahan ng COVID-19 vaccines, 10,362 ang naturukan ng bakuna ng Sinovac at 2,057 naman ang AstraZeneca, samantalang may anim na police attaches ang naturukan ng Moderna at Pfizer vaccines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.