Huling araw ng filing ng ITR sa QC, binulabog ng mga raliyista

Kuha ni Alvin Barcelona
Kuha ni Alvin Barcelona

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga militanteng grupo sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue office sa Scout Santiago kanto ng Quezon Avenue sa lungsod ng Quezon.

Hindi naman nakapasok sa loob ng tanggapan ng BIR ang mga nagprotesta dahil agad na naisara ng mga security guard ang gate.

Nagkasya na lamang ang mga militante na magsagawa ng protesta sa labas ng BIR building at nagsagawa ng lightning rally.

Nanawagan ang grupo na na ibaba ang bayaring buwis ng mga empleyado na isa umanong pahirap lalo na sa mga may maliit lamang na sahod.

Hinikayat din nito ang gobyerno na ipatupad ang tax bracket system sa pagbubuwis lalo’t marami sa mga mangagawa na maliit ang take home pay o halos wala nang natitira sa kanilang mga sahod.

 

Read more...