Nakipagpulong sina AFP Western Mindanao Command commander, Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr. at Joint Task Force – Sulu commander, Maj. Gen. William Gonzales sa mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pangunguna ni Chief Minister Al Haj Murad Ebrahim sa Cotabato City.
Natalakay sa pulong ang pagkakaisa ng militar at pamunuan ng BARMM para sa kapayapaan at kaunlaran ng Sulu.
Pinasalamatan ni Vinluan ang BARMM government dahil sa mahusay na pamumuno para magkaroon na ng ganap na kapayapaan sa Katimugang Pilipinas.
Inilatag naman sa pulong ni Gonzales ang tagumpay ng kanilang kampaniya katuwang ang Sulu Provincial Task Force in Ending Local Armed Conflict (PTF-ELAC) partikular na ang pagbaba ng 53 porsiyento sa puwersa ng Abu Sayyaf Group gayundin ang walang naitalang karahasan sa Sulu na naikasa ng teroristang grupo hanggang nitong Marso.
Ibinahagi din ng opisyal na sa pamamagitan ng Balik Barangay Program ay nakabalik ang daan-daang Internally Displaced Persons (IDPs) sa anim na barangay sa Patikul at dalawang barangay sa Talipao.
“The military’s success against security issues in the province coupled with our partnership with NGOs, CSOs, and the provincial government of Sulu led by Governor Tan has made Sulu ready for sustainable development. While some challenges remain for the residents such as the lack of modest shelters, farm to market roads, school buildings, and responsive delivery of basic services, I believe with the help of the BARMM leadership, Sulu will soon re-acquire its old glory as a hub for tourism, fishery, and maritime industry in the region,” dagdag pa ni Gonzales.
Sa bahagi naman ni Ebrahim, pinasalamatan nito ang WestMinCom at JTF – Sulu dahil sa malaking pagbabago sa sitwasyon kayat maayos din nailalatag ng BARMM ang kanilang mga programa.
“Despite the prevailing security challenges, I assure the Joint Task Force-Sulu and the Local Government of the province that the BARMM government will remain supportive to programs that aim to end the armed conflict in Sulu. We recognize the hardship of the people in the midst of conflict. We have been there,” banggit ni Ebrahim.