COVID-19 vaccine ng Moderna nabigyan na rin ng EUA
Binigyan na rin ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration ang COVID-19 vaccine ng American pharmaceutical company na Moderna.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, tumagal lamang ng sampung araw ang kanilang pag-aaral matapos mag-apply ng EUA sa kanila ang Moderna bago ito nabigyan.
Ito na ang ika-pitong bakuna para sa COVID-19 ang nabigyan ng EUA.
Nauna rito ang mga bakuna ng Pfizer-BioNTech, AstraZeneca, Sinovac Biotech, Gamaleya Institute, Janssen, at Bharat Biotech.
Magugunita na pumasok ang private sector sa tripartite agreement kasama ng pamahalaan sa Moderna para sa 20 milyong doses ng bakuna.
Sa ilalim ng kasunduan, mapupunta sa gobyerno ang 13 milyong doses habang ang natitirang pitong milyong doses ay sa pribadong sector.
Inaasahan naman na darating sa Hunyo ng kasalukuyang taon ang 200,000 doses ng Moderna vaccine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.