Hindi gumalaw ang inflation rate o ang bilis ng pagtaas ng presyo nmg mga bilihin at serbisyo noong nakalipas na buwan ng April.
Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, nanatili sa 4.5 percent ang inflation rate na kapareho noong buwan ng Marso.
“Ang magkakaibang paggalaw ng presyo sa mga commodity groups nitong Abril 2021 ay nagresulta sa magkaparehong antas ng inflation nitong Abril 2021 at Marso 2021,” saad ni Mapa.
Sabi ni Mapa, dahil dito ang average inflation ng bansa mula Enero 2021 ay 4.5 percent.
Pangunahin anya sa nag-ambag sa April 2021 inflation ay ang Food na 4.8 percent at ang Non-Alcoholic Beverages naman ay 40.9 percent.
Sinundan naman ito ng transport na 17.9 percent inflation.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.