109-anyos na lola, nabakunahan kontra COVID-19 sa Maynila

PHOTO: Manila PIO

Tumanggap ng kaniyang first dose ng Sinovac COVID-19 vaccine sa Maynila ang 109-anyos na ginang na si Jessie Coe Lichauco, isang kilalang philanthropist sa bansa.

Ang mga kawani ng Manila Health Department mismo ang nagturok ng bakuna kay Lichauco sa kanilang heritage house sa Sta. Ana, Manila.

Pinuri naman ni Manila City Mayor Isko Moreno ang desisyon ni Lichauco na magbakuna. Aniya, mainam para sa mga senior citizen na magpabakuna dahil isa sila sa mga high-risk group sa sakit na COVID-19.

Kaugnay nito, nagpapatuloy rin ang home service vaccination ng Lungsod ng Maynila para sa bedridden senior citizens nito.

Si Ginang Jessie Lichauco ay isa mga inspirasyon ng pagkakatatag ng Child Protection Unit ng Philippine General Hospital. Kasama ang kaniyang asawa na si Marcial Lichauco, binuksan ng ginang ang kanilang bahay sa Sta. Ana, Manila upang gawing makeshift hospital noong World War II.

Read more...