4.2M estudyante kumasa sa Early Registration offer ng DepEd
Nagparehistro na ang higit 4.2 milyon na estudyante para sa School Year 2021 -2022, ayon sa DepEd.
Sa datos na inilabas ng kagawaran, hanggang noong Lunes, 4,254,141 na ang nagparehistro sa Early Registration program ng kagawaran at ang mga ito ay papasok sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7 at Grade 11 sa muling pagsisimula ng mga klase ngayon taon.
Pinakamaraming nagparehistro sa Calabarzon sa bilang na 427,583; sumunod sa Region 7 (394,262) at pangatlo sa Region 6 (362,063).
Dapat ay nagtapos ang programa noong Mayo 26, ngunit pinalawig ito ng DepEd hanggang Mayo 31 para bigyan pa ng panahon ang mga magulang na ipa-rehistro ang kanilang mga anak.
Maaring magpa-rehistro online o kahit sa text message, samantalang nakakapagsagawa ng physical registration sa mga eskuwelahan sa mga barangay na itinuturing na ‘low risk’ sa usapin ng COVID 19 cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.