‘Baklas passport’ modus pinaiimbestigahan sa Foreign Affairs Department
Pinaiimbestigahan ni Senator Ris Hontiveros sa Department of Foreign Affairs ang sinasabing ‘baklas passport’ modus.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, sinabi ni Hontiveros na dahil sa naturang modus, tatlong babae na pawang tubong Mindanao ang nagkuwento ng kanilang pagbiyahe at pagta-trabaho sa Syria gamit ang pekeng passports.
Pawang menor de edad ang tatlo nang mapunta sila sa Syria at iisa din halos ang kuwento nila ukol sa pang-aabuso sa kanila ng kanilang mga amo.
Sinabi din ni Hontiveros na imbestigahan din ng DFA ang ilan sa kanilang mga kawani na sangkot sa naturang modus.
Ibinahagi ng tatlo na sa ibinibigay sa kanilang passport ay binabago ang kanilang edad para makalabas ng bansa.
“Paano nakakalusot ang ganitong mga kalakaran? Is there a government official colluding with human trafficking criminals? Huwag naman sana. Kung hindi man sila kasabwat, dapat malinawan ng DFA ang mga pag-aalala natin,” sabi ng senadora.
Isa pa sa kanila ay ibinahagi ang dinanas na verbal sexual assault sa isang kawani ng Philippine Embassy sa Syria na nakilalang si Jun Carillo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.